Hulaan Mo!

Sa klase, natalakay kung paano mayroong kinakailangang kaligiran tungkol sa kultura upang masagutan ang isang bugtong. Isang magandang halimbawa dito ang “Bumbong kung liwanag, kung gabi ay dagat”. Hindi mo nga naman malalaman kung ano ito liban kung nakagamit ka na ng banig sa ganitong paraan. Dahil dito, gumawa ako ng mga bugtong sa ibaba na gumagamit din ng kulturang pilipino. Kung tama ang hula sa mga bugtong ito, matutuklasang iisa lang ang tema ng mga ito. Ang mga kasagutan ay nasa dulo ng pahinang ito.

1) Hindi ibon ngunit kamay pato
Isdang nakatatayo sa bato

2) Noong buhay pa ay makamandag
Sa huli’y sa banig nakalatag

3) Galangin at ika’y palalampasin
Bastusin at ika’y gagambalain

4) Pagmasdan ang aking dila
Sa gabi ito’y hahaba

5) Mamuti-muti ang aking mukha
mamula-mula ang aking luha

6) Nang makita mo, ako ay bata
Kalungin mo at ako’y tatanda

7) Gandang nakabibighani
Paldang kulay bahaghari

8) Umuulan habang umaaraw
Nagtagpo ang mga bulalakaw

9) Makita mo at ika’y may mata
Ligtaan mo ako at bulag ka

10) Hindi mo ako makikita sa bundok
Maaamoy mo lamang ang aking usok

Mga Sagot:

Tema: Mga Engkanto

1. Siyokoy

2. Buntot ng Pagi

3. Nuno

4. Aswang

5. White Lady

6. Tiyanak

7. Sirena

8. Tikbalang

9. Multo

10. Kapre

2 responses to “Hulaan Mo!”

  1. ecsamar says :

    “Bumbong kung liwanag,/ kung gabi ay dagat” ang bugtong. Maraming hindi nagtutugma sa mga bugtong mong nagtatapos sa patinig. Ayusin muna ang mga ito bago muling ipasa sa akin ang link. Salamat!

  2. ecsamar says :

    Naibigan ko ang proyekto ng tematikong mga bugtong. Binibigyan kita ng isang markang pagtaas para rito. Pagbati!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: