3D

Simula noong ako’y bata pa, mahilig na ako sa iba’t ibang super hero tulad nina Superman, Batman, Spiderman at Iceman. Talagang sinusubaybayan ko noon ang mga palabas na cartoon ng mga ito at alam na alam ko ang mga kuwento sa likod ng mga magagarang kasuotang kalimitang suot nila. Wala akong takot kung makikipaglaban sila sa mga kaaway nila at sa halip, tuwang-tuwa pa ako sa tuwing madadaig ng kabutihan ang kasamaan. Sa mga nagdaang taon, sunod-sunod na lumabas ang mga pelikula tungkol sa mga superhero na ito gaya ng “Captain America: The First Avenger”, “The Amazing Spiderman”, “The Dark Knight Rises” at “The Avengers”. Hitik na hitik sa aksyon ang mga pelikulang ito at bagama’t pambata ang ideya ng mga superhero, nagawa itong pangmatanda ng mga direktor. Talagang nagtutunggali ang mgapelikulang ito kung alin ang mayroong mas makatotohanang dating. Lalo naman itong pinayayabong ng salaming 3D ng mga sinehan.

Iyon na lamang ang gulat ko nang malaman ko ang tungkol sa patayan at nakawan sa aming probinsya. (Lucena City, Quezon)

Naganap daw ang nakawan sa tapat ng simbahan sa amin. Tatlo sa mga guwardiya na nagbabantay sa may armored car ang patay at natangay ng mga magnanakaw ang isang bag na puno ng pera. Hindi ko alam kung ano ang unang papasok sa isipan ninyo ngunit bigla kong naalala ang ginawang pagnanakaw ni Joker sa isang bangko sa umpisa ng “The Dark Knight”. Bagama’t hindi ganoon kalala ang ginawang pagnanakaw sa aming probinsya, nakapaninibago at nakapagpapabagabag na may ganitong uri ng krimen. Ang bagay na sa pelikula lamang dapat nangyayari, sa totoong buhay na. Hindi sa masama ako ngunit mas matatanggap ko pa sana kung sa ibang lugar nangyari ang ganitong uri ng krimen at hindi sa isang lugar na kinalakihan ko. Siguradong hindi ito ang huling pagkakataon na magkakaroon ng ganitong uri ng nakawan kaya naman dapat kumilos na agad ang buong kapulisan upang matigil ito.

Ngunit tiyak naman na hindi mahuhuli nang ganoon na lamang ang mga magnanakaw kahit suyurin pa ng mga pulis ang buong bayan.

Kaya naman, bukod sa kapulisan, siguro nangangailangan na ring bigyan ng pamantayan ang mga sine ayon sa antas na maaari itong makatulong sa mga kriminal. Kung wala sigurong mga ganitong uri ng pelikula, maaaring hindi mailalagay sa utak ng mga tao na kayang gawin ang ganitong uri ng pagnanakaw. Hindi mabibigyan ng ideya ang mga kriminal kung paano mabisa makapagnanakaw kung hindi siguro ito ipinakita sa mga pelikula. Kung hindi siguro malilimitahan ang ganitong uri ng palabas, wala akong ibang naiisip na epektibong paraan maliban sa basahin ang iniisip ng ibang tao kung magagawa man ito.

Alam kong hindi ito kasinglala ng pagpatay sa Colorado sa Estados Unidos na bunga rin ng pelikulang Batman, ngunit hindi ko pa rin matanggap kung paano lumabas na sa screen ang laman ng mga pelikula. Dumating na ang puntong nagiging totoo na ang kathang isip ng mga tao. Ngayon ko lang naunawaan, kahit bahagya, ang takot ng mga biktima sa mga pelikula.

Mula rito…

Tungo rito…

Hanggang sa…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: