Panaginip

Nang talakayin sa klase, bagama’t saglitan, ang tungkol sa dalit at iba pang uri ng tulang Pilipino, napaisip ako kung mayroong ibang uri ng tula sa ibang kultura. Mula sa mga nabasa ko, pinili kong gumawa ng isangĀ Sestina sa wikang Filipino.

Walang sirena sa mundo

ni Bryce Tan

Habang sakay ang aking salipawpaw
Nakakita ako ng luntiang isla
Mayroon itong buhanging animo’y ginto
Naglalakad dito ang isang babaeng nakadilaw
Kumakanta siya ng isang nakabibighaning awit
nang siya’y biglang naglaho

Nais ko siyang sundan nang siya’y maglaho
Kaya naman inilapag ko sa tubig ang salipawpaw
Muli kong narinig ang kanyang awit
At dahil dito, nilusob ko ang isla
Nakita ko ang babaeng nakadilaw
Tangan niya ang isang koronang gawa sa ginto

iniaabot niya ang kanyang koronang ginto
ngunit nang ito’y aking hawakan ay naglaho
Lalong lumiwanag ang damit niyang dilaw
hanggang hindi na makita ang aking salipawpaw
sinundan ko pa siya paloob ng isla
ngunit nagbago na ang himig ng kanyang awit

Nakinig na lang ako sa kanyang awit
Hindi namalayang ang kamay ko ay naging ginto
Napuno ng ingay ang buong isla
mga puno sa aking paligid, biglang naglaho
naalala ko bigla ang aking salipawpaw
Ngunit nalimutan ko kaagad dahil sa mata niyang dilaw

Bumalik na ang mga punong ngayo’y dilaw
Tumigil naman ang kanyang awit
sa langit lumitaw ang aking salipawpaw
Hindi na yari sa bakal kundi yari sa ginto
Lumipad ito papalayo at naglaho
Hindi na ako makaaalis dito sa isla

Ayaw ko na rito sa isla
Natatakot na ako sa babaeng nakadilaw
Gusto ko na lang maglaho
ngunit naririnig ko muli ang kanyang awit
Ang palad ko ay hindi na ginto
Nasa pampang na muli ang aking salipawpaw

Tumakbo sa salipawpaw para takasan ang nakadilaw
Hindi na babalik sa isla ng babaeng umaawit
Nawa’y ang ginto kong panaginip ay maglaho

Mga karagdagang babasahin:

http://en.wikipedia.org/wiki/Sestina

http://en.wikipedia.org/wiki/Villanelle

About these ads

2 responses to “Panaginip”

  1. ecsamar says :

    Mali ang villanelle mo rito, Bryce. Basahin ulit ang inuulit na linya para sa villanelle (una at huling taludtod ng unang saknong). Maaari mong ayusin iyon o ang sestina na lang ang panatiliin, dahil maaari nang makatanggap ng pagtaas ng marka kahit ang iyong sestina pa lang. Kapag nakapagpasya na at naayos ang entry, saka muling ipasa sa akin ang link. Salamat!

  2. ecsamar says :

    Binibigyan kita ng isang markang pagtaas para rito. Pagbati!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: