Ang Alamat ni Maria Makiling

*Ang alamat na ito ay hindi ang orihinal na alamat ni Maria Makiling kundi isang kathang isip ko lamang.

*May pinag-uugatan ang Kalilayan, Banahaw, at ang dalawang higante mula sa timog :D

Ang Alamat ni Maria Makiling ni Bryce Tan

Noong unang panahon, sa pusod ng kagubatan sa may isang napakalawak na lawa, may dalagang nagngangalang Maria. Tanyag na tanyag siya sa buong kalupaan dahil sa kanyang angking kagandahan. Walang araw na lumipas na walang nagtanong sa kanyang kamay sa kasal. Isang araw, kinausap siya ng kanyang ama tungkol sa bagay na ito.

“Maria, anak, panahon na upang mamili ka ng iyong pakakasalan. Tumatanda na kami ng iyong ina at kinakailangan mo ng isang taong mag-aalaga sa yo.”

“Ngunit ama, wala akong napupusuan ni isa sa mga nanliligaw sa akin. Wala akong nadaramang pagmamahal mula sa kanila. Tanging ang aking kagandahan lamang ang kanilang habol.”

“Maria! Makukuyad at magiging matandang dalaga ka sa lagay na iyan! Ako ang pipili sa iyo kung sa gayon. Isa sa mga anak ng Datu ng Kalilayan na nagngangalang Banahaw ang iyong maka-iisang dibdib!”

Nagdalamhati si Maria dahil dito at nagkulong sa kanyang kubo. Wala siyang pinapasok kahit sino, maging alalay man o alagad. Isang araw, napanaginipan niya ang isang solusyon sa kanyang suliranin. Ipapapatay niya ang anak ng datu.

Lumabas siya sa kanyang kubo at nagpanggap siyang masaya na ulit ngunit lingid sa lahat ng tao, may binabalak siya. Pumili siya ng isa sa pinakamagagaling na mandirigma ng kanyang ama at inutusan siyang paslangin ang anak ng datu.

Kinabukasan, dumalo sa kanilang bahay si Banahaw. Mag-isa siya ngunit sa dulo ng kanyang sibat ay ang ulo ng mandirigmang ipinadala ni Maria.

“Ang akala ko napakabuti mong tao Maria ngunit nagkamali ako! Isinusumpa kita na ang lahat ng bagay sa buhay mo ay magkakaroon ng pagkiling laban sa iyo!”┬áSa wikang ito, umalis ang anak ng datu.

Noong una’y animo’y walang masamang nangyayari kay Maria ngunit nang lumaon, lumitaw na ang kinalabasan ng sumpa. Lahat ng manliligaw niya ay nawawala sa daan patungo sa kanilang tahanan. Kung hindi nawala, may sakunang nangyayari sa kanila. Nagpatuloy ito hanggang wala nang dumarayo sa kanya dahil sa kanyang sumpa. Ang pinakamasaklap sa lahat ng epekto ng sumpa, natuklasan ni Maria na hindi siya tumatanda. Nagdaan ang mga taon at nakita niyang tumanda at namatay ang lahat ng kanyang minamahal sa buhay. Mula sa kanyang ama, at ina, hanggang sa kanyang iba pang kamag-anak, naglaho na lamang sa isang iglap ang buong angkan niya hanggang siya na lamang ang natira.

Nang nag-iisa na lamang si Maria, araw-araw siyang nananangis. Wala na ang lahat ng kanyang minamahal at wala na ring nagmamahal sa kanya. Totoong bata pa rin siya at ubod ng ganda ngunit buhay mag-isa ang tinakda sa kanya ng tadhana. Lumaon at hindi na rin makayanan ni Maria ang kanyang pagluluksa para sa kanyang sarili. Naglakbay siya sa Kalilayan upang hanapin ang taong nagsumpa sa kanya.

Nakarating siya sa Kalilayan ngunit natuklasan niya na matagal nang patay si Banahaw; nabaon ng isang matinding pagguho ng lupa sa kabundukan. Naghanap siya ng ibang taong maaaring makatulong sa kanya ngunit wala ni isang taong may alam sa sumpang iginawad sa kanya. Sa bawat taong tanungin niya, unti-unting nawalan ng pag-asa si Maria. Nagpatuloy ito hanggang bigla na lang niya naalala ang kuwento kung paano nakagawa ng maraming maliliit na bundok ang mga higante sa mga isla sa timog. Dahil dito, nagpadala siya ng imbitasyon sa mga higante na bumisita sa pangako ng pagkarami-raming kayamanan bilang kapalit.

Binisita siya ng mga higante ngunit nang matuklasan ng mga ito na wala ang kayamanang ipinangako ni Maria, nagalit sila at binatuhan si Maria ng putik. Pinagpatuloy nila ito hanggang mabaon na si Maria sa lupa. Huli na nang matauhan ang mga higante sa ginawa nila kay Maria at agad silang nakaramdam ng pagsisisi sa kanilang ginawa. Bilang tanda ng paghingi ng tawad kay Maria, inihugis nila ang bundok na kanilang ginawa sa kanyang anyo.

About these ads

20 responses to “Ang Alamat ni Maria Makiling”

  1. Edgar C. Samar says :

    Binibigyan kita ng isang markang pagtaas para sa pagtatangkang magsalaysay-muli ng isang popular na kuwentong-bayan, at sa pagsusumikap na maging maayos ang baybay at gramatika, bagaman may ilan pa ring typo error at/o pagkakamali sa baybay, tulad ng dapat ay iyo o ‘yo at hindi basta yo. Maging mas maingat pa sa susunod. Pagbati!

  2. Jinnel Ojeda ;''')) says :

    well ……… aLab this sTory

  3. gabriella angela del valle says :

    i like it very well but at the end of the story i was sad

  4. abhe says :

    its so very beautiful

  5. shakinah says :

    ganda poh!!

  6. Uchiha Sasukei says :

    wow ang ganda ng alamat ng mariang makiling.

  7. gianna says :

    i love the story of mariang makiling

  8. aczyl hernandez says :

    lke kuh to maganda kc pued post pa kayo ng bagong kwento

  9. jane artiaga says :

    ang ganda nakakamang ha naman:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: